Decoding the Author

Monday, February 20, 2012

An Officially Awesome Movie!


Watched Unofficially Yours yesterday, February 19, 2012, with my friends Dawn, Benjie and the no.1 fan of John Lloyd Cruz, Joseph.haha! And I must say, this movie really hit me! First time to. First time ko ding gustuhing manuod ulit after ng isang pelikula. Ang gaganda pa ng mga lines nila. Yung tipong ang sarap sabihin sa taong karapatdapat! lmao.

Unofficially Yours (2012)

 Ang ganda ng movie sobra! I love how the director, Cathy Carcia-Molina, shows on her every movie yung mga moves na sobrang corny for ordinary people. Gets niyo? And she also showcased John Lloyd's sexyness in his very effortless way. While Angel Locsin, well given na yun na sexy siya, pero iba yung performance niya compared sa iba niyang palabas that I believe siya lang makakagawa para sa role - naging idol ko tuloy siya for 2hours.haha! Ang fresh ng itsura niya ngayon. Parang yung sa Click days - her as the boyish,Charlie. Ang ganda niya sa buong pelikula. Nakaka-asar bakit siya lang may ganung ganda.hahaha!

John Lloyd Cruz played the character of Mackie Galvez, a guy who've been hurt many times but still ready to fall for someone. In contrast to John Lloyd's role, Angel Locsin played the character of Princess Brincencio. At dun mabubuo ang storya. Panuorin niyo nalang!haha. Nung una, akala ko may pagka Friends with benifits and No String Attached yung peg ng movie. Pero hindi, ang layo! Maybe same concept, pero sobrang ka-level ng two Hollywood movies yung Unofficially Yours. Ang oa ko pero nagagandahan talaga ako sa movie. Pinanuod ko lang siya dahil kay John Lloyd and I've seen his movie in cinemas (except sa mga Sarah-Lloydie films.haha!) pero eto yung pinaka tumatak sakin second was My Amnesia Girl. Nadala lahat ng cast yung mga role nila specially Panying. Personal Assistant yata siya ni John Llodyd na naging instant celebrity. Here's its official railer


I may say na nakarelate ako sa movie (YUCKS!haha.) specially sa character ni Ces (YUCKS again!). Pero hindi ako takot masaktan ah!haha (YUCKS for the 3rd time). At hindi din ako nagpaasa. Oh YES!! You read it right! HINDI TALAGA! You people just never heard my side kaya hindi niyo talaga maiintinihan na hindi ako nagpaasa! And I dont even have any plans to share it or explain myself!hahaha. (YUCKS to me forever)

Anyways, this isn't my lovestory. I'll share to you some of my favorite scenes.

First was after Cess and Mackie made love tapos gumising si Cess habang nagigitara si Mackie singing Binibini. Ang sweet!! Parang ang sarap gumising nang ganun.



 Second, yung pinagluto ni Mackie ng breakfast si Cess, ang sexy ni Angel dun grabe!! Tapos ginagaya ni Angel yung favorite expression ng barkada ni Mackie "HMM???" *liyad*.

Third, yung scene na ineexplain ni Cess kung bakit hindi niya kayang mahalin si Mackie. This scene shows how a strong woman breaks down to the so-called love.haaay...

Fourth, yung sinapak ni Mackie yung ex-boyfriend ni Cess nung nalaman niya kung bakit niya iniwan si Cess. Mejo naiiyak ako sa scene na yun pero pinipigilan ko lang!haha.

And lastly, yung ending, nagsulat si Mackie tungkol sa kung pano binago ni Cess yung buhay niya "Mata sa mata, Puso sa Puso". Then pinuntahan ni Cess si Mackie sa apartment niya at hinarana ng Ikaw ang aking mahal - peyborit ko pamandin yun!haha. Tapos nagsorry siya. Kyot!




Here's some of my favorite line from the movie:

"Pano mo malalaman kung sino ang taong nakalaan sayo kung magsusurender ka sa bawat sakit na mararamdaman mo"
                                                                                                               - Techie Agbayani

"Mamahalin kita ng buo. Aalagaan kita. Payagan mo lang ako. Pwede bang tayo nalang?"
                                                                                                               - Mackie Galvez

"Hindi mo lang alam, gustong-gusto kitang mahalin, kaso natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Kasi habang lumalaki ang pakiramdam ko na minamahal na kita, lumalaki din and takot sa puso ko. Takot na masaktan muli."
                                                                                                               - Cess Bricencio


"Kahit gaano pa kalaki ang pagmamahal na ibigay mo, hindi 'yun hadlang para sa isang tao  na saktan ka." 
                                                                                                                - Cess Bricencio

"Gusto kong sabihin sayo na higit ka pa sa isang libong bagay na kayang tanggihan ng isang taong katulad ko"
                                                                                                                 - Mackie Galvez

And the 3 of the most remarkable line for me was...

"Oo nga naman, kahit basagin ko pa yung mukha ng gagong yun hindi ko naman mababago yun eh. Hindi ko matatanggal yung takot jan sa puso mo. Kasi Cess, ikaw lang ang makakagawa nun eh. Ako, ang kaya ko lang gawin ay ang mahalin ka. Ang maghintay sayo at umasang isang araw kakayanin mo nang magmahal ulit. Pero 'wag kang magalala, hindi kita pipilitin kasi naiintindihan kita."

                                                                                                                 - Mackie Galvez

"Sorry kung natagalan ah. Alam kong napagod kita. Pero Mackie, hayaan mo akong pawiin lahat ng pagod mo sakin." 
                                                                                                                  - Cess Bricencio



"TANGINA! ANG SAKIT EH. TAGOS. WASAK!"
                                                                                                                - Cess Bricencio

Basta panuorin niyo nalang! Promise ang ganda! Kayang ipanlaban sa mga korean romantic-comedy. Lahat makakarelate. Baka maging idol niyo rin si Angel Locsin for 2 hours. Plus, her tops.. so gorgeous! Oh and her red stilettos !.. haha! Those peole na nagmamahal, nasaktan, umaasa, nagpapaasa at mga walang pagasa!  After you see this movie, feeling mo ang sarap-sarap mainlove.haha! Iisipin mo na sana may Mackie Galvez na nageexist sa paligid mo.haha! So what the heck are you waiting for!? Go see the movie na!!! :D




IN ALL THINGS, GOD SHOULD BE GLORIFIED :D

No comments:

Post a Comment