Why do you have to leave us so soon?
Adrian Hidalgo January 04, 1992 - October 20, 2011 |
"If only sorrow could build a staircase, our tears could show the way.
I would climb my way to heaven, and bring him back home again."
This past few days napaisip ako how it feels to lose a friend. I think because of my addiction watching this Korean series 49Days. Kahit nuong high school ata nagagawi narin sa isip ko yun. And now naexperience ko na, I didn't expect this could be hard.
Grade 1 - Gold Class of 1998-1999 F. R. International College |
Back when we were still in gradeschool, naalala ko Escort ko pa siya nun tapos ako yung muse sa class officers ng Grade1. F. R. International College pa yung VCMC nuon. Tapos siya may sarili siyang dalang electric fan kasi nga mainit at masikip dun sa room namin dati. Yung room pa namin nuon yung binabahayan na ng mga teachers ngayon ng VCMC. Then every time na nagpa-parade kami, siyempre kami yung muse and escort kami yung nagbibitbit ng banner ng section namin. Tapos siya pinapayungan at pinapaypayan siya ng tita o pinsan niya ata yun habang ako nanlilimahid na sa tirik ng araw.haha!
1st Year - Galatians S. Y. 2003-2004 |
Chrismas Party |
1st year High School. Bumalik siya sa school pero VCMC na ngayon. As I remembered part pa siya ng grupo nila Maripat at Dianilo, collectively known as "The Hamburdogs". Uso kasi samin dati yung grupo-grupo tapos binubully namin. Although hindi naman talaga sila laging magkakasama. Wala lang nagawan lang namin ng grupo kasi wala sila. Nung mga 1st and 2nd year namin in highschool makulit pa siya nun eh. Nakikisama pa samin. At isa sa pinakamaling ginawa niya nuon ay ang luhuran si Margaret sa Computer Lab namin nuong 2nd year highschool. Chos!haha.
2nd Year James S. Y. 2004-2005 |
Pagtungtong namin ng 3rd year highschool, then we realize na ang gwapo pala niya. We called him many names like Mr. Pogi, Papa P., Pinuno, Pinuts. He became heartthrob! Tapos hinaharot-harot na namin siya nila Irvin and Roni. Pinagaagawan namin maski sulyap niya. Naguunahan pa kami sa mga bisig niya. Eh tatlo pa kami. Mahuli kawawa! haha.. Tapos tinatanggal niya lang yung kamay niya. May naalala ako, sinasayawan pa namin siya habang paakyat siya ng fire exit eh. Nakalimutan ko lang yung nausong dance craze nuon. Tapos ginawa niya bumaba nalang ulit siya!haha. Tapos nagiinggitan pa kami pag pinapansin kami ni Pinuts. Kahit nagkaklase tinatawag pa namin yung isa't isa para lang ipakita na inaabot ko yung salamin sakanya.haha!
Mr. Pogi and Margaret |
And the first time we saw him mad. Magpapractise kami sa 3rd floor, tapos lahat na nasa labas, natira nalang si Adrian nasa tapat ng electric fan nagsasalamin. Tapos sumigaw si Bianca "Hoy Adrian! Aakyat na nga eh, pasalamin-salamin ka pa jan ang pangit-pangit mo naman!". Galit na galit si Pinuts tapos sabi niya "T@#&%#$!! Akala mo kung sinong maganda, ang laki naman ng bunganga!". Tapos kaming mga nasa labas na natawa nalang kasi pati yung mga boys galit na galit din kay bianca!haha. Tapos ng first year namin, tinutusok-tusok pa namin yung kili-kili tsaka pwet niya, tapos bigla nlang nagalit tas sinabihan akong "Pakaayos ka ah!" and that line became famous sa section namin.
Pinuts and Katkat |
Sobrang tahimik lang niya sa room. Mapapansin mo nalang na present pala siya pag may narinig kang umuubo.haha! Makikita mo nalang yan papasok sa room ng walang dala kundi salamin at ang pinauso niyang "Gatsby Wax". Tapos uupo lang sa harap ng salamin, tapos matutulog. Ganun lang madalas routine niya sa klase namin. Pero in fairness to him, siya yung pinakamadaling singilin sa mga ambagan pag sa boys. Siya halos laging unang sinisingil pag sa boys eh. Minsan pipilitin mo din. Minsan magbibigay narin kagad. Depende sa mood niya. Naalala ko nuong unang class kay Ma'am Leal. Nalate si Dan tapos pinagalitan siya ng sobra. Tapos biglang dumating si Adrian tapos hindi siya pinansin. Siguro akala ni Ma'am nag-cr lang si Pinuts kasi walang kadala-dalang bag. Galit na galit si Dan eh. Porke daw pogi!haha. Pinagtatanggol niya pa yung assignment niya sa Accounting kay Sir Chris kasi mali daw tas parang tumaas yung boses niya "Eh sir yan yung turo sakin ng Ate ko eh" tapos sabi ni Sir Chris "Edi dun ka sa Ate mo humingi ng grade mo". Di nalang siya umimik.
Late 3rd year. Pine-pair na sila ni Nicole. Eh sobrang inlove pa ata si Nicole nun kay ever mighty Karl. Pero may feelings narin siya kay Pinuts.haha! Eh siyempre kaming mga pakialamerang kaibigan. Ginawa namin ni Irvin, sinet-up namin silang dalawa sa may library. Tapos nagusap sila dun. Nakatungo pa nga ata si Pinuts nun sa lamesa. Nahihiya pang magtapat! Mga 30minutes lang ata sila nagusap. Then nakita nalang namin si Pinuts sa may manggahan kasama sila Dan. Tapos lumapit kami. Kumakanta sila ng "Adrian Tanga" sa tugtog na "Ewan". Tapos nabalitaan nalang namin sinugod pala ni Karl "The Gangster" si Adrian sa bahay nila kinahapunan para pagsabihan si Adrian. Kasi mejo naguluhan narin yung isip ni Nicole eh. Ganda ni Nicole eh. haha! Yun din ata yung dahilan kung bakit nagbreak si Nicole at Karl.
4th Year John S. Y. 2007-2008 |
4th year highschool. Walang pinagbago, he's still the same Adrian na tahimik. Nilalandi parin namin siya, tinataboy parin niya kami. Wala parin kaming pag-asa sakanya.haha! Nagiistudio pa kami nun. Nauso din kasi samin yung gitara-gitara. Eh magaling pala siya mag gitara. Edi lalo siya mas naging hot!haha. Silang dalawa pa ni Prince dati yung magaling magitara sa batch namin tapos sakanila lang kami nagpapaturo. He's favorite band was Bamboo. Tapos ido niya si Ira Cruz ng Bamboo. Tinuro niya pa sakin yung plucking ng Tears in Heaven tsaka Now and Forever kasi napakadamot ni Prince magturo ng gitara. Once or twice lang ata siya nakipag-jamming samin sa studio. Eh yun pamandin ang pinakamahirap yayain sa buong batch namin. Yung pangalawa nga niloko pa namin siya na magsstudio kami, sumama naman siya pero hindi ata natuloy o sa gala lang kami nauwi. After that, hindi na siya sumama samin magstudio ever.haha!
Nasira pa daw ni LJ yung pocket ng polo niya, tapos hanggang sa natapos na yung school year nakalaylay parin yung pocket ng polo niya.haha! Tapos nasira nadin yung salamin niya, natanggal na yung isang salamin pero ginagamit parin niya. Once lang din siya umattend ng Prom namin, that was on our 3rd year. Si Roni nanaman kasi yung partner niya sa cotillion. Kaya siguro di na umattend!haha. Once lang din siya sumama sa field trip namin, ng 4th year naman. Hindi din siya laging kumakain sa school para lang daw magcomputer pagkatapos ng class. Favorite niya pa yung larong Freestyle dati, tapos pangalan daw ng character ni "Nicollete". Loverboy din pala tong si Mr. Pogs! Tapos maglalakad siya sa may canteen ng nagca-cat walk. Tapos bubunot siya ng dahon na madadaanan niya then aamuyin tapos itatapon ulit. haha!
He was soo misterious back then, up until now actually. But he's definitely not an Emo.
4th year Field Trip |
Thesis defense week. Tapos na kaming magdefense tapos sila ni Cathy (his thesis partner). We thought si Cathy lang ang gumagawa ng thesis nila, kasi every time we asked Cathy, di daw siya tinutulungan ni Adrian. Tapos ng mga last few weeks na, puro si Adrian nalang yung nakikita naming may hawak ng thesis nila. Wednesday ata sila nagdefense nun eh. Actually, parang hindi nga pang corp yung suot niya nun eh. Pero pak! Pagpasok niya ng room, hawak niya pa yung thesis nila. Mukha siyang sobrang responsible kahit nuon lang namin siya nakitaang gumagwa ng school works niya. Matalino naman siya, hindi niya lang talaga hilig mag-aral.
Before graduation. Inabot kami ng gabi sa school for our clearance. 'fcourse picturan kami. Eh siya pamandin sobrang hirap mgpapicture sakanya. Ulti mong sa class picture namin nakasimangot pa siya. Pero we grabbed the opportunity to take pictures with him. Wala narin siyang choice, nacorner na siya eh! Thank god ngumiti naman siya :)
Me and Mr. Pogs |
Roni the Manyak.haha! |
Madamme Balls and Adrian |
Mr. Pogi, Kat and Irvin |
Roni, Adrian, Irvin and Kat |
(Note: Sorry for the poor quality of videos. 10x ko ata kinonvert to eh.haha!)
After our graduation we had our gradball. Lahat kami andun na except lang sa kanya kaya pinuntahan namin siya ni Rm sa bahay nila. Kaso walang sumasagot. Sabi namin baka nasa Ryka nanaman yun. haha! After highschool we heard na nagpunta pala ng Dubai yung family niya. So wala narin kaming communication sakanya. Then after one year, nabalitaan narin namin na bumalik na sila galing Dubai so pumunta kami sakanila. Nagulat kami sa haba ng buhok niya. Eh madilim na nung nagpunta kami sakanila kaya di ko na siya masyadong naaninagan. Tapos tambay kami ng konti.
The last time I saw him was I think last-last sem? Nagkasabay kami sa kanto ng Perps, taga adamson pa siya nun. Sumigaw pa ko "Hoy Mr. Pogs!". Nginitian lang niya ko. Tapos nagjeep na siya. Akala ko magsasabay pa kami kasi parehas lang kami sa Manila ang punta.haha! I didn't know that will be the last time na ngingitian niya ko. Edi sana sumabit na ko sa jeep na sinakyan niya.
October 20, 2011. While we were having fun under the sun of Intramuros, di namin alam may isa na pala kaming kaibigang nagsustruggle ng sobra. If ever we knew his pain. Sana nadamayan pa namin siya. Tinugtog pa namin yung "Waiting in Vain" sa Rockband, para na pala kay Mr. Pogi yung :(
Friday na nung nabalitaan namin. Dinaanan pa ko nila Joseph at Prince. Nakita ko palang sila naisip ko na na "Shit, totoo nga". Inisip ko baka nasa ospital palang. Tapos sabi ni Prince nasa Samson na daw si Pinuts. Parang lahat pa kami in denial. Pagdating namin sa Samson, tinanong kami ng manong duon kung kay "Hidalgo" daw kami pupunta. Tapos nakita namin yung pangalan niya napamura nalang kami. Nakukuha pa nga naming magjoke ng papunta palang kami sakanya eh. Until makita na namin siya laying on his coffin. Tears fell from all of us. We didn't asks his mom what happened or why he did that. Basta ang alam namin, naiintindihan namin siya kahit ano pa yung dahilan niya. Nauna ng pumunta ng maaga si Nicole, kasi ex siya(chos!haha). Uuwi pa kasi siya ng Isabella. Peri humabol naman siya nung nakipaglibing. Nuon lang din kami nakumpleto halos. Altghough lagi kaming nagkikita-kita. Pero lagpas 20 ata kami nuong unang gabi niya. Nagshare pa samin yung mga kachurch ng family ni Adrian. Paguwi namin. Kela Lois kami dumeretso. As ussual, overnight. Sama-sama kaming nagspeculate at nagsharing. We even searched him on the news. Napagusapandin yung mga schoolmate dati na nakikisaw-saw at halos punuin na ng picture ni Pinuts yung news feed sa fb.
Saturday hindi namin siya napuntahan. Late narin kasi kami nakauwi nun galing kila Lois. Tapos kinabukasan ininvite kami ni Eunice sa church nila sa Naic. Pati yung Pastor nila alam yung nangyari at nabanggit din na kaibigan namin. Pagkauwi namin, sa church naman nila Dan. Kaso di na ko nakasama, I fell asleep. After nila magchurch. Direcho na kagad kami sa imus palengke to buy some flowers. Mejo napamahal pa kami, but anything for Pinuts. May Ale din dun na nakikichika, basta we heard her said nalang "yung tumalon sa robinson" sabay tingin samin. Nakakairita! Walang pasintabe? Anyways.
Pagdating namin ng sunday ng gabi. Mejo madami naring tao. Dumalaw din yung mga naging teacher namin sa VCMC. Nuon lang din namin nakausap yung Mama niya. Nakakangiti narin siya. Tapos nakikipagbiruan narin samin. Nakwento na nga ng Mama niya yung nagyari. Dun namin mas lalong naintindihan si Mr. Pogs. Nakukwento din pala ni Adrian yung mga crush niya. Nakwento niya si Margaret at Nicole. How sweet! Tapos inabot narin kami ng madaling araw. Naabutan narin namin yung Ate at Papa niya. Halos lahat kami naiyak sa scenario. Habang naririnig ko yung Papa niya, naisip ko yung parents ko. Kaylangan ko ring isipin yung nararamdaman nila. Kaylangan kong mabuhay para sakanila. Tapos nakakwentuhan namin si Ate Edgel tsaka yung boyfriend niya. Shineshare niya pa samin kung ano si Adrian sa bahay nila. 4am na kami nakauwi nun. Kela Adong nalang kami dumeretso.
Huling lamay. Ang dami naring tao. Hindi kami masyadong nagtagal, hanggan 12am lng ata kami nuon kasi makikipaglibing pa kami kinabukasan. As ussual, nagkaduwagan nanaman. Sa bahay ulit kami ni Lois dumeretso. Tapos 930am na kami nakauwi sa mga bahay-bahay namin. Tulog ng konti tapos prepare na para ihatid sa huling hantungan ang aming kaibigan. 1230 na kami nagkita-kita sa kanto ng Perpetual. Traffic pa!
Pagdating namin sa Samson. Andun na si Nicole may dalang white roses. Nagshare ng Gospel yung Pastor nila. Exactly 2pm pinalabas na kami ng room. It's time.. Pumunta na kami sa sasakyan tapos ang bagal ng takbo namin. Ang pangit ng feeling!! Ang bigat.. Until we got to Angelus. Sobrang bigat ng feeling na at our early age, naghahatid na kami ng isang kaibigan. Sobrang lungkot lang na sa ganoong paraan pa kami mababawasan ng ganito rin kaaga. Pero di narin namin siya masisisi. Habang palapit kami ng palapit sa oras ng paglilibing sakanya, lalong bumibigat yung feeling. Naiyak na ko nung nagsasalita na yung Papa niya. Tapos tinanggal na yung mga ribon dun sa coffin. Tapos last look na.. Pila-pila pa yung Tropang Porjan. Grabe, kahit ganun yung nangyari sakanya ang pogi parin niya! Tapos nagiyakan nalang kami sa gilid pati mga boys habang sinasarado na yung coffin. Inintay lang namin na matabunan siya ng lupa bago kami umuwi. Nagpaalamanan na sa pamilya niya. Si Nicole natira, chinika pa siya ng pamilya ni Mr. Pogs.Then derecho ulit kela Lois. Ayun overnight nanaman.
What happened to our friend made us realize na hindi na kami teenagers. Habang nakatitig kami sa details ni Adrian, nakalagay 20yrs old. Nasabi namin sa sarili namin na hindi na kami mga teenagers. Na kelangan na naming gumawa ng mas malaking desisyon na makakaapekto ng mas malaki sa mga buhay namin. Madami ding nagawa samin si Mr. Pogs kahit wala na siya. Sa pagdalaw namin sakanya, nakarinig kami ng mga mabuting balita ng ating Panginoon. Para samin, hindi siya nagsuicide. Ni hindi nga naging big issue samin na siya yung tumalon sa Robinsons. Para samin, nawalan lang kami ng isang kaibigan. At alm din naming nasa piling na siya ng ating Panginoon, dahil tumanggap siya. Kasalanan man ang nagawa niya, pinatawad na siya ni Lord bago niya pa gawin yon. At wala din naman siyang kasalanan sa nangyari sakanya. Kung alam niyo lang yung pinagdadaanan niya. Kung nalaman lang din sana namin ng maaga yung kalagayan niya. Pero wala eh, nangyari na. Alam naming pinagdarasal niya tayo ngayon kasama ni Lord. Bilib din kami sa lakas napinapakita ng family niya. Dahil nasa puso nila si Lord Jesus. Pinapalakas ni God ang loob nila. Thank you Lord!
So please lets just close this issue. Stop spreading malicious rumors. Hindi rin totoong nabasted siya dahil sa kwento ng family niya, si Nicole at Margaret lang ang nababanggit niya. At mas lalong hindi totoong bading siya. Dahil sobrang straight siya! At may mga kaibigan siya, stop saying that he's Emo and doesn't have any friends. Siguro nga nagkulang kami ng mga oras na nagsstruggle siya, nilalayo niya rin naman kasi samin sarili niya. Pero nirerespeto namin yun. So please! Yun din yung kailangan niya sa inyo.
"HAWAK KA NG TROPANG PORJAN, MR. POGI!"
Hanggang sa muli nating pagkikita, sa langit ka naman namin haharutin! Please pray for us here.
Mahal ka namin aming Pinuno!!
God has a reason for allowing things to happen
We may never understand His wisdom, but we simply have to trust his will.
IN ALL THINGS, GOD SHOULD BE GLORIFIED :D
No comments:
Post a Comment